Impormasyon na Medikal

Gabay para sa mga Medical Institutions

Uri ng Medical Institution

Mayroong iba’t-ibang mga medical institution sa Japan at bawat isa ay may kanya-kanyang tungkulin.
Kadalasang pinupuntahan ng mga pasyente ang mga klinika malapit sa tirahan kapag ang kanilang sintomas ay bahagya lamang.

Klinika・Opisina ng mga Doktor

Kung nag-aalala ka tungkol sa sakit o pinsala, pumunta sa malapit na klinika. Kung kailangan mo ng espesyal na paggamot o pag-ospital, ire-refer ka ng klinika sa ospital. Tiyaking makakuha ng referral sa doctor.

Katamtamang laki ng ospital

Pumunta sa ospital na ito kapag kailangan kang operahan o maospital, o kapag bigla kang nangailangan ng paggamot para sa biglaang pagkakasakit, pinsala, o sintomas ng pagkalason. (Maaaring kailanganin mo ng referral mula sa iyong doktor.)

Malaking ospital

(Maaaring kailanganin mo ng referral mula sa iyong doktor.)

kapag kailangan mong pumunta kaagad sa ospital dahil sa biglaang pagkakasakit o pinsala

“Emergencies” page

Mga Departamento ng Ospital

Medisinang Internal Panggagamot na panloob (tulad ng ubo)
Pag-opera Pagalingin ang panlabas na pinsala at pagsasagawa ng operasyon
Pediatrics Pangangalagang medikal ng mga sanggol at mga kabataan
Orthopedics Panggagamot sa mga sakit sa buto, joints at muscles
Opthalmology Panggagamot sa mata
Dentista Paggamot sa ngipin
Obstetrics & Gynecology Panggagamot ng isang babae, at pangangalaga sa buntis

Ano ang Dapat Dalhin sa Ospital

  • Card ng segurong pangkalusugan
  • Mga dokumento ng pagkakakilanlan(Residence card, pasaporte, credit card, atbp.)
  • Pera(Ang ilang mga klinika ay hindi tumatanggap ng mga credit card)
  • Mga gamot na iniinom mo ngayon, record ng iniresetang gamot

medikal na talatanungan

Isulat ang iyong mga sintomas sa talatanungan na ibinigay sa reception desk ng medical institution.

Upang makahanap ng medical institution kung saan maaari kang magpatingin ng medikal sa isang banyagang wika

baraki Prefecture Emergency Medical Information System maghanap ng Doktor

Japanese・Ingles

website ng pambansang turismo ng Japan

May mga interpreter ang ilang ospital at klinika, kaya mangyaring kumonsulta sa opisina ng munisipyo o sa International association sa inyong bayan.

kapaki-pakinabang na mga Link

Asosasyong Internasyonal Ng Ibaraki – Medical Handbook

Ang booklet na ito ay makakatulong upang masagot ang mga basic na mga tanong sa ospital at masabi ang mga sintomas sa parehong wika at Japanese. Mangyaring gamitin ito bilang isang paraan upang makipag-usap sa ospital.

Ministry of Health, Labor and Welfare

Bilang karagdagan sa questionnaire, maaari kang mag-download ng mga materyal na kapaki-pakinabang kapag pumunta sa isang medical institution, tulad ng mga form ng aplikasyon para sa pagpapaospital, mga form ng pahintulot, mga resibo, at mga invoice, meron ito sa English, Chinese, Korean, Portuguese, at Spanish (na may Japanese).

Multilingual explanatory material para sa mga dayuhan

AMDA Internationa Medical Information Center

Ang AMDA International Medical Information Center ay isang organisasyon-NPO na tumutulong sa mga dayuhang hindi marunong ng Japanese para makahanap ng mga medical institutions at nagbibigay sa kanila ng interpretasyon sa telepono sa mga medikal na sites.