Mga pamamaraan sa munisipyo

Mga Kinakailangang Pamamaraan sa Tanggapan ng Pamahalaan

Abiso ng Tinitirahan

Mga dayuhang residente na mananatili sa Japan nang higit pa sa 3 buwan ay kailangang dumaan sa mga proseso tulad ng “resident registration” sa opisina ng munisipyo kung saan ka nakatira. (opisina ng munisipyo, town hall, village hall)。Anumang pagbabago ay kailangan ipaalam sa tanggapan ng pamahalaan。Sa kaso ng anumang mga katanungan o problema sa buhay, kumunsulta sa tanggapan ng munisipyo.

Kapag nagpasya ka sa isang bagong address sa Japan

Kailangan mong mag-file ng [moving-i. notification o abiso sa paglipat] sa opisina ng munisipyo sa loob ng 14 na araw pagkatapos lumipat sa iyong bagong tahanan。Kinakailangang dalhin ang iyong「pasaporte」o「residence card」.

Kapag ikaw ay Lilipat

Kapag lumipat ka, mangyaring magsumite ng mga dokumento sa tanggapan ng pamahalaan. Kung mayroon kang “My Number Card”, mangyaring dalhin ito sa iyong pagpunta sa opisina.

Mga taong lumipat sa ibang munisipalidad

Bago lumipat、mangyaring magsumite muna ng [moving-out notification o abiso na lilipat] sa opisina ng munisipyo kung saan ka nakatira.
Sa loob ng 14 na araw ng paglilipat、sa munisipyo ng bagong titirahan, mangyaring mag sumite naman ng [moving-in notification o abiso sa paglipat].

Mga taong nagpalit ng address sa loob ng parehong munisipyo

Pagkatapos lumipat, mangyaring mag sumite ng “Pagbabago ng address” sa opisina ng munispyo kung saan ka nakatira sa loob ng 14 na araw.

Mga taong aalis ng Japan

Mangyaring magsumite ng [moving-out notification o abiso na lilipat」sa opisina ng munisipyo kung saan ka tumira bago umalis.

Tungkol sa Sistema ng “ My Number”

”My Number”

Para sa mga nakatira sa Japan, bawat tao ay may binibigyan ng sariling numero ito ay ang [indibiduwal na numero]. Ang “My Number notification” ay inihahatid sa pamamagitan ng koreo sa mga nagsumite ng [moving-in notification o abiso sa paglipat] sa opisina ng munisipyo pagkatapos nilang lumipat sa kanilang bagong tahanan. Ang iyong [“My Number”] ay nakasulat sa notification.

Kailan mo kailangan ang “My Number”?

  • kapag naglipat ka ng pera sa isang bangko o tumanggap ng mga remittance mula sa ibang bansa, gayundin kapag nagbukas ka ng account sa isang bangko o kumpanya ng securities.
  • kapag nagsumite ka ng social insurance at mga dokumento sa buwis sa opisina ng gobyerno.
  • Kapag nagsimula kang magtrabaho sa isang kumpanya o tindahan, atbp.

”My Number Card”

Ang “My Number Card” ay isang IC chip card na nagpapakita ng iyong indibidwal na Numero. Maaari mong matanggap ang iyong My Number card sa pamamagitan ng pagsusumite ng aplikasyon. Kapag nag-apply ka sa unang pagkakataon, hindi mo kailangang magbayad para sa aplikasyon.
Mangyaring sundin ang mga tagubilin na nakasulat sa notipikasyon ng “My Number” at gumawa ng aplikasyon para sa “Individual Number Card” (=My number Card)”. Matatanggap mo ang iyong “My Number Card” sa humigit-kumulang isang buwan.

Higit pang impormasyon tungkol sa “My Number”

Cabinet Office「Tungkol sa “My Number”」

multilingual

Tungkol sa “My Number Card”
Maaari kang kumonsulta sa pamamagitan ng telepono

Call Center:Lunes~Biyernes 9:30〜20:00、Sabado, Linggo at piyesta opisyal 9:30〜17:30
Japanese 0120-95-0178
Ingles、Chinese、Koreano、kastila、Portuguese 0120-0178-27

Pangmamamayang Segurong Medikal [Public Medical Insurance]

Kahit na sino na nakatira sa Japan, anuman ang nasyonalidad, ay kailangang maging miyembro ng isang programa ng Public Medical Insurance. Kapag pumunta ka ng ospital, maaari kang makatanggap ng mga serbisyong pang-medikal sa mas mababa ang babayaran. Sasakupin ng Medical Insurance ang natitirang bahagi ng gastos.
Kapag miyembro ng insurance, makakakuha ka ng Health Insurance Card.

Nahahati sa tatlong bahagi ang programa ng Public Medical Insurance、dapat kang mag-enroll sa isa sa programa nito.

Health Insurance (kenkou hoken)

  • Maaaring maging miyembro ang mga nagtatrabaho sa kumpanya at ang kanilang pamilya dito sa Japan ay karapat-dapat na magpatala sa health Insurance. Mangyaring tignan sa iyong kompanya kung ikaw at ang iyong pamilya ay makakapag-enroll sa health insurance.
  • Isinasagawa ang aplikasyon sa inyong kumpanya o sa opisina ng insurance company. Mangyaring magtanong sa inyong kompanya o sa opisina.
  • Ang halaga ng bayad sa insurance ay depende sa kita ng nakaseguro. Ang premium ng Health Insurance ay binabayaran buwan-buwan. Pupunan ng kompanya ang kalahati nito.
Halagang babayaran kapag pupunta sa ospital
  • Mga batang preschool na wala pang anim na taong gulang 20%
  • Para sa mga 70 na taong gulang ang edad 30%
  • Para sa mga 70〜74 na taong gulang ang edad 20% (gayunpaman, 30% karaniwan para sa taong malaki ang kita)

National Health Insurance (Kokumin kenkou hoken)

  • Maaaring maging miyembro kung hindi kasapi ng isang programa ng Health Insurance sa lugar ng pinagtratrabahuhan. Isagawa ang proseso ng pag-apply sa tagapamahala ng National Health Insurance sa opisina ng munisipyo kung saan kayo nakarehistro ng inyong tirahan/residence card.
  • Ang halaga ng bayad sa insurance ay depende sa kita ng nakaseguro at bilang ng mga tao sa sambahayan.
  • May mga panahon ng kagipitan kung kailan maaaring mabawasan ang pagbabayad sa insurance, makipag-ugnayan sa tagapamahala ng National Health Insurance.
Halagang babayaran kapag pupunta sa ospital
  • Mga batang preschool na wala pang anim na taong gulang 20%
  • Para sa mga 70 na taong gulang and edad 30%
  • Para sa mga 70〜74 na taong gulang ang edad 20%(gayunpaman, 30% karaniwan para sa taong malaki ang kita)

Sistema ng pangangalaga sa kalusugan ng matatanda hanggang sa huling yugto

  • Maaaring pumasok ang mga 75 na taong gulang ang edad. Mag-apply sa opisina ng munisipyo kung saan ka nakatira. Kailangan mong mag-withdraw mula sa anumang iba pang programa ng insurance kung saan ka naka-enroll.
  • Ang halaga ng bayad sa insurance ay depende sa kita ng nakaseguro.
Halagang babayaran kapag pupunta sa ospital
  • 10%(Gayunpaman, 30% karaniwan para sa mga taong malaki ang kita)

Pampublikong Sistema ng Pensiyon

Kasapi ang lahat ng naninirahan sa Japan anuman ang nasyonalidad. Hindi lamang sa layuning masigurado ang kanilang pagreretiro kundi para masigurado rin ang kapakanan nila kapag sila ay hindi na makapagtrabaho dahil sa sakit o pinsala.
Gayundin makasigurado ang kanilang pamilya kapag sila ay namatay.

Mayroong dalawang uri ng pampublikong pensiyon sa Japan. Ang National Pension at ang Employees’ Pension Insurance.

National Pension Fund (kokumin Nenkin)

  • Ang lahat sa pagitan ng edad na 20 at 59 taong gulang and edad ay dapat sumali.
  • Mag-apply sa opisina ng munisipyo kung saan ka nakatira.
  • Kung nagtatrabaho ka sa isang kumpanya, isinasagawa ang aplikasyon sa iyong kumpanya kung saan ka nagtatrabaho.

Employees’ Pension Insurance (Kousei Nenkin Hoken)

  • Bilang karagdagan sa National Pension, kailangan sumali ang mga empleyadong nagtatrabaho sa isang kumpanyang nasasaklaw ng Employees’ Pension Insurance system (Kousei Nenkin Hoken).
  • Yaong mga nagtatrabaho sa isang kumpanya o isang pabrika nang higit sa bilang na oras ng araw at sa mga wala pang 70 taong gulang ay kailangang sumali.
  • Mga kinakailangang pamamaraan ay pinangangasiwaan ng mga nakasegurong kompanya.

Kapag nag-enroll ka ng Public Pension System, matatanggap mo ang iyong Pension Handbook.

年金手帳

Kapag hindi ka na saklaw ng Japanese Public Pension System at babalik na sa iyong bansa, maaari mong matanggap ang iyong mga kontribusyon.

Serbisyo ng Pensiyon sa Japan(Multilingual)

Konsultasyon para sa Seguro sa Kalusugan at Pensiyon

Mga Pension Office sa Ibaraki Prefecture

Mito-kita Pension Office 〒310-0062 2-3-32 Omachi, Mito-City
TEL 029-231-2283
Mito-minami Pension Office 〒310-0817 2-5-17 Yanagi-machi, Mito City
TEL 029-227-3278
Pension Consultation Center Mito City 〒310-0021 Mito FF Center Building IF, 3-4-10 Minami-machi Mito City
TEL 029-231-6541 ※Ang konsultasyon sa telepono ay hindi tinatanggap
Shimodate Office 〒308-8520 1720 Sugaya, Chikusei City
TEL 0296-25-0829
Tsuchiura Office 〒300-0812 2-7-29 Shimotakatsu, Tsuchiura City
TEL 029-825-1170
Pension Consultation Center Tsuchiura 〒300-0037 Legal Tsuchiura Building 3F, 1-16-12 Sakuramachi, Tsuchiura City
TEL 029-825-2300 ※Ang konsultasyon sa telepono ay hindi tinatanggap
Hitachi Office 〒317-0073 -10-22 Saiwaicho, Hitachi City, Ibaraki
TEL 0294-24-2194

※Consultation Center ng bawat munisipalidad (National Health insurance、National pension)