Pagtatrabaho sa Japan

Dito sa Japan, tiniyak sa batas ang mga kondisyon para protektahan ang parehong mga japanese at dayuhang manggagawa na maaaring humantong sa isang komportable at ligtas na lugar upang magtrabaho.

Ministry of Health, Labor and Welfare Gabay sa kondisyon sa Trabaho

14 wika

Ministry of Health, Labor and Welfare [Pamplet para sa mga dayuhang susubukang magtrabaho sa Japan] (5 wika)

Ministry of Health, Labor and Welfare Mga Batas sa Trabaho na kailangan mong malaman

Suriin ang [status of residence] iyong residence card

①「Permanent Resident」「asawa o anak ng isang Japanese National atbp.」「asawa o anak ng isang [Permanent Resident] [Long-term Resident]

  • Anong uri ng trabaho ang maaari ninyong gawin.

②「Cultural Activities」「Temporary visitor」「Student」「Trainee」「Dependent」

  • Hindi Pinapahintulutang magtrabaho。Kapag gusto mong magtrabaho、kakailanganin ninyong kumuha ng permiso sa Immigration Bureau ng「Pahintulot para sa mga gawaing hindi sakop sa pinagkaloob na visa.
  • 「Pahintulot para sa mga gawaing hindi sakop sa ipinagkaloob na visa」 Ang pahintulot ay tumutukoy sa trabaho at oras ng trabaho na maaari mong pasukin.

Maliban sa ① at ②

  • Pinapahintulutang magtrabaho sa loob lamang ng nakatakdang saklaw「status of residence」.
  • Kung mapapasiya kayong magpalit ng trabaho, kakailanganin ninyong mag-aplay para magpabago ng status of residence.

Paghahanap ng Trabaho

HelloWork

Serbisyo sa pagtatrabaho ng dayuhan

Kung ang status of residence ng isang dayuhan ay: Propesyonal o teknikal fields na gustong magtrabaho sa isang kumpanyang Hapon ay maaaring makatanggap ng suporta sa paghahanap ng trabaho.

Listahan ng mga Foreign Employment Service Center (Japanese)

Gumamit ng mga job posting websites o mga ahensya ng pagtatrabaho

Direktang mag-apply sa website ng kumpanya, atbp.

Ang Kasunduan ng Trabaho

Pipirma ka ng kontrata sa pagtatrabaho sa pagitan ninyo at ng iyong employer. Bago pumirma ng kontrata, makabubuting muling suriin at unawain nang maigi ang mga detalyeng nilalaman ng kontrata.

Mga kinakailangang nakalagay sa kasulatan

  • Tiyakin ang petsa ng pagsisimula at pagtatapos ng kontrata
  • Posible o hindi ang pag-renew pagkatapos ng kontrata
  • Lugar ng trabaho at paglalarawan ng trabaho
  • Mga oras ng trabaho, pista opisyal, atbp.
  • Halaga at paraan ng pagbabayad ng sahod
  • Mga pamamaraan ng pagbibitiw at pagpapaalis

Ano ang mali sa kontrata sa pagtatrabaho (sa kasong ito, ang kumpanya ay hindi maaaring makipagkontrata sa iyo)

  • Pagbibigay sa iyo ng multa kung lumabag ka sa kontrata sa pagtatrabaho
  • Ibinabawas sa iyong buwanang suweldo bilang pagbabayad sa hiniram mong pera sa kompanya.
  • Ang iyong kumpanya ay nagbabawas ng mga bayarin para sa paglalakbay ng kumpanya, mga dormitoryo, at iba pang mga gastos mula sa iyong buwanang suweldo nang hindi kumukunsulta sa iyo.

Pinakamababang Sahod o Minimun Wage

  • Ito ang pinakamababang halaga ng sahod na dapat mong matanggap kapag nagtatrabaho ka ng isang oras. Ang halaga ay nag-iiba depende sa prefecture.
  • Kailangang magbayad ang employer ng mas mataas sa minimum.
  • Ang minimum na sahod sa Ibaraki Prefecture ay 879 Japanese yen kada oras mula noong Oktubre 1, 2021.
    ※Nagbabago ang minimum na sahod bawat taon, kaya pakitingnan ang website ng Ibaraki Labor Bureau (Japanese).

    Ibaraki Labor Bureau (Japanese)

  • Maaari mong suriin ang pinakamababang sahod ng lahat ng prefecture sa Japan   Ministry of Health, labor, and Welfare

    Pinakamababang Sahod (Japanese)

Kalusugan at Kaligtasan

Pagsusuri sa kalusugan

  • Suriin ang kondisyon ng iyong katawan, 1 beses sa 1 taon gamit ang “mga pagsusuri sa kalusugan.
  • Suriin ang kondisyon ng iyong puso 1 beses sa 1 taon, gamit ang “stress check”.
    Kung nalaman mong may problema ka sa kalusugan sa pamamagitan ng “health check” o “stress check”, o kung pagod ka dahil sa maraming overtime, magtanong sa doktor. Kung kinakailangan, hilingin sa kanila na bawasan ang overtime o baguhin ang kanilang trabaho.

Natamong Pinsala o Sakit na nauugnay sa trabaho

Kapag ang isang empleyado ay nagkasakit, nasugatan, o namatay dahil sa kanilang trabaho, sila ay binabayaran ng Seguro ng Bayad-Pinsala sa Aksidente ng Manggagawa (“Industrial Accident Compensation Insurance”) ng kanilang mga kumpanya. Sinasaklaw din nito ang mga pinsala dahil sa aksidente, atbp. na natamo habang papunta sa trabaho.

Ministry of Health, Labor and Welfare Pamplet tungkol sa Industrial Accident Compensation Insurance para sa mga dayuhang manggagawa (14 na wika)

Paghingi ng Payo tungkol sa Pagtatrabaho sa Japan

Kung mayroon kang anumang mga problema o hindi naiintindihan ang iyong trabaho, maaari kang sumangguni dito.

Ibaraki Foreign Worker Support Center(Maliban sa mga sumasailalim sa technical intern training, naghahanap ng part-time na trabaho, at nag-a-apply para sa refugee status)

Japanese

Ibaraki International Association Foreigner Counseling Center

Japanese

Ministry of Health, Labor, and Welfare Listahan ng mga Consultation Center para sa mga Dayuhang Manggagawa
Ibaraki Labour Bureau Consultation corner para sa mga Dayuhang Manggagawa

TEL 029-224-6214

〒310-8511 Ibaraki Labor General Government Building 6F,1-8-31 Miyamachi, Mito-shi, 310-8511

Chinese Kastila・Ingles
Mga Petsa ng Konsultasyon
(Sarado kapag pista opisyal)
Lunes(maliban sa ika-5 linggo)
Martes(una・ikalawang Linggo)
Huwebes(maliban sa ika-5 linggo)
Lunes(una・ikalawang linggo)
Oras ng konsultasyon
(Tanghalian)
9:30~16:30
(12:00~13:00)
9:00~15:30
(12:00~13:00)

※Maaaring magbago ang mga mayroong petsa ng konsultasyon, kaya mangyaring tumawag sa opisina bago bumisita.

Konsultasyon para sa mga Technical Intern Trainees OTIT Organization for Technical Intern Training