Emergency・Sakuna

Bago Magkaroon ng Sakuna

Ano ang maaari mong gawin sa pang araw-araw na buhay

  • Makibahagi sa mga disaster prevention drill。Ang mga impormasyon ukol sa Disaster Prevention Drills ay makukuha sa pinagtatrabahuhan、munisipyo、International Association o sa mga klase ng Japanese, atbp. Kung saan maaari kang magtanong.
  • Humingi ng kopya ng hazard map para malaman saang lugar delikado at listahan ng evacuation center

    Hazard map portal site (Japanese)

  • Gumawa ka ng Timeline (Pagpaplano sakaling magkaroon ng water disaster)

    Ibaraki ken WEBEdisyon Gumawa ng . Ang-timeline ko (Hapon)

  • Kilalanin ang iyong mga kapitbahay.
  • Magtalaga ng sistema kung paano kayo makikipag-ugnayan sa inyong pamilya at mga kaibigan o sa isa’t-isa sa oras ng emergency.
  • Magtalaga ng lugar kung saan kayo magkikita kung sakaling mahiwalay kayo sa inyong pamilya at mga kaibigan.
  • Kung may mga bata/anak, kumpirmahin ang kanilang mga guro sa mga bagay kung saan kayo mako-kontak ng eskuwelahan o paano susunduin ang mga bata/anak.
  • Alamin ang mga telepono ng mga tanggapan ng pamahalaan (mga munisipyo, atbp.) at mga embahada.
  • Panatiliing ligtas at i-secure ang mga istante at cabinet sa silid.
  • Maghanda ng isang「Emergency bag」、Ilagay ito sa lugar na madaling kuhain o makita.

    (Kō-zai)Shiga Intercultural Association for Globalization Multilingual emergency kit explanation card (may 7 wika + madaling japanese)

  • Maghanda ng pagkain, tubig, baterya, at flashlight pang-3 araw hanggang 1 linggo.
  • Kapag halos nangangalahati na ang gasolina ng inyong sasakyan, punuin muli.

Ibaraki International Association Disaster Manual

Naka-post ang Handbook tungkol sa disaster na may 15 wika para sa mga dayuhang nakatira sa Prefectura ng Ibaraki.

Bagyo . Malakas na Ulan

  • Sa Japan, madalas makaranas ng bagyo kapag tag-araw at taglagas.
  • Magkakaroon ng malakas na hangin kaya mag-ingat、manatili sa loob ng bahay.
  • Hanggat maaari manatiling malayo mula sa baybayin o bunganga ng ilog dahil tataas ang alon at magiging mas matubig ang ilog.
  • Hanggat maaari manatiling malayo sa bundok o bangin dahil delikado kung gumuho ang lupa at buhangin.
  • Maaaring mangyaring bahain (tumataas at umaapaw ang tubig sa ilog) at mga sakuna na may kaugnayan sa mga labi (pag-guho ng mga bundok at matatarik na paligid).
    Humingi ng kopya ng hazard map para malaman saang lugar delikado at listahan ng evacuation center.
  • Kung ikaw ay nasa isang mapanganib na lugar kung saan naganap ang mga pagbaha o pagguho ng lupa, pumunta sa isang ligtas na lugar.
洪水
Baha (Tubig ilog tumaas at umaapaw)
土砂災害
Sakuna na may kaugnayan sa mga labi

Lindol

Kapag Lumindol

Kapag nasa loob ka ng bahay o gusali
  • Buksan ang mga pintuan para makalikas kaagad anumang oras.
  • Mag-ingat sa maaaring malaglag na mga bagay, mga kasangkapan, atbp. at magtago sa ilalim ng mesa.
  • Kapag tumigil ang pagyanig, patayin ang gas o kalan.
  • Kung sakaling kakailanganing lumabas, maaaring may malaglag na mga windowpane at signboard at maaari kang masugatan. Manatili sa inyong posisyon hanggang tumigil ang pagyanig.
  • Bago lumikas upang iligtas ang inyong sarili, siguraduhing naka-patay ang switch ng circuit breaker.
地震が起こったとき
Kapag nasa labas
  • Agad na protektahan ang iyong ulo gamit ang isang bag o libro、magmadaling pumunta kung saan ligtas sa pinsala.
  • Lumayo sa mga sementong pader at vending machine. Lumayo sa may mga matataas na tambak ng lupa o bangin.
  • Sa lindol、maaaring walang masakyang tren o bus. Mangyaring maghintay ng ilang sandali sa isang ligtas na lugar tulad ng isang kumpanya o paaralan. Maraming tao, siksikan ang mga istasyon at kalsada, sabay-sabay ang nais makauwi kaya ito ay delikado.
Kapag nagmamaneho ng sasakyan
  • Ihinto ang inyong sasakyan sa isang ligtas na lugar at patayin ang makina.
  • Pabayaang nakakabit ang susi, huwag susian ang pinto、tumungo sa lugar na ligtas.
Kapag malapit sa baybayin o bunganga ng ilog
  • Ang mga tsunami ay maaaring mangyari matapos ang malakas na paglindol. Makinig o magbasa ng mg anunsiyo, agad na magtungo sa mataas na lugar.
  • Telebisyon o internet、smart phone app「Safety tips」may (link)、alamin ang impormasyon ng tsunami.
  • Kapag naglabas ng “babala” o “alarma” upang ipaalam sa inyo ang panganib ng tsunami、agad na magtungo sa mataas na lugar.
  • Ang tsunami ay umuulit ng maraming beses。Kung sakaling malaman mong ligtas na, puwede nang umuwi.
  • Kung、Magtanong sa mga japanese「Ligtas na ba tayo sa Tsunami?」.

Kapag Lilikas

  • Kung hindi alam kung saan ang ligtas na lugar、Magtanong sa mga japanese「Saan Lilikas?」.

Pagkatapos ng Lindol

  • Kung nakaamoy ka ng gas, huwag itong sindihan. Maaaring sira ang tubo ng gas at maaaring tumagas ang gas sa silid.
  • Maglagay ng maraming tubig sa paliguan atbp. Maaaring masira ang tubo ng tubig at maaaring hindi lumabas ang tubig.
  • Kung ang kabuhayan mo ay lubos na nasira at hindi na puwedeng tirahan, ikaw ay puwedeng manatili sa “shelter” saglit, kasama ang iba pang mga tao. May kapaki-pakinabang na impormasyon, pagkain, tubig, at mga bagay na kayo ay maliligtas.

Aksidente sa Nukleyar

Ang lugar po ng Ibaraki ay may Nukleyar power na pasilidad.

Kapag nangyari ang Aksidente sa Nukleyar

Pumasok kaagad sa loob ng gusali upang maiwasan na pumasok ang hangin na galing sa labas. Huwag magmadali. Makinig sa anunsyo mula sa tiyak na impormasyon mula sa websites, TV, at mga apps ng mga ahensya ng gobyerno na sumusuporta sa mga wikang banyaga.

Kung nasa loob ng Gusali
  • Isara ang mga pintuan at bintana. Isara ang air circulation system, at siguraduhing hindi pumasok ang hangin na galing sa labas.
  • Lumayo sa bintana hangga’t maaari.
  • Kapag pumasok sa loob ng gusali galing sa labas, hugasan ng Mabuti ang inyong mukha, kamay, at magpalit ng damit. Ilagay sa plastic na bag ang pinag-suotan na damit
Kung nasa labas ng Gusali
  • Kung hindi kaagad makakapasok sa loob ng gusali, gumamit ng mask o takpan ng mamasa-masang tuwalya o panyo ang inyong bibig at ilong upang mabawasan ang internal exposure sa pamamagitan ng paglanghap ng radioactive substances.

 

LINK

Bago Magkaroon ng Sakuna

Opisina ng Gabinete Kapaki-pakinabang na apps at WEBsite

Isang leaflet na nagpapakilala ng mga smartphone app at website na nagbibigay ng impormasyon sa panahon ng sakuna sa Japan.

15 wika

Japan Meteorological Agency Impormasyon sa Kalamidad WEBsite

Mga impormasyon tungkol sa panahon (Tulad ng Klima、Malakas na ulan, Mataas na Temperartura)・Lindol・Tsunami・ impormasyon tungkol sa bulkan

15 wika

Ibaraki Prefecture Disaster Prevention and Risk Management Portal Site

Maaari mong tingnan ang kasalukuyang katayuan ng lahat ng munisipalidad sa prefecture sa mapa.

10 wika

Ibaraki Prefecture Evacuation Center Information

Ibaraki Prefecture Evacuation Shelter・Ito ay isang listahan ng mga evacuation site

Hapon

Ibaraki Prefecture Nuclear Public Relations

Hapon

(Kō-zai) Shiga Intercultural Association for Globalization | Emergency carry-out bag Paliwanag sa card

may 7 wika + madaling japanese

apps

Push-type Information transmission app for foreign travelers Safety tip(14 wika)