Emergency・Sakuna
Kapag may Sakuna
Bagyo、malakas na ulan、Kapag nagkaroon ng malaking kalamidad tulad ng lindol
- Kapag nawalan ng kuryente, gas, o tubig.
- Maaaring mahirap maka-kontak sa telepono o Internet.
- Maaaring maharangan ang mga kalsada , maaaring walang pumasada na mga sasakyan at bus. Baka hindi din makaalis ang tren.
- Maaaring masira ang mga gusali o maaring mahulog ang mga bagay mula sa matataas na gusali.
Pagkuha ng Impormasyon.
Kolektahin ang tamang impormasyon mula sa mga website, TV, at app ng mga ahensya ng gobyerno na sumusuporta sa mga wikang banyaga.
Mga website at app na nagpapadali sa pagkuha ng impormasyon
- Opisina ng Gabinete: mga nakatutulong na app at website kung sakaling magkaroon ng sakuna (15 wika)
- Japan Meteorological Agency disaster information WEB site (15 wika)
- Ibaraki Prefecture Disaster Prevention / Crisis Management Portal Site (10 wika)
- Ibaraki Prefecture designated evacuation center information (Hapon)
- NHK 20 Word news and disaster prevention information (20 wika)
Disaster information provision app for foreign travelers Safety tip (14 wika)
Pumunta sa isang ligtas na lugar (Kung lilikas)
- Patayin ang apoy ng gas o kalan bago lumisan。
- Mangyaring pumumta sa ligtas na lugar habang inaalam ang kaligtasan sa paligid mo.
- Magbitbit ng magaan na gamit hangga’t maaari at lumisan.
- Ilagay ang mga kailangan sa isang rucksack atbp. para magamit ang dalawang kamay.
- Kapag hindi mo alam ang ligtas na lugar, magtanong sa mga Hapones ” Kung saan lugar ka dapat pumunta .”
Kapag gusto mong makipag-ugnayan sa inyong pamilya at mga kaibigan
- Maaaring mahirap maka-kontak sa telepono。
- Madaling maka-konekta sa isang pay phone, kaya gumamit ng pay phone.
- Gamitin natin ang「Mensahe ng Kalamidad i-dial-171・Web171」.
- Maghanap ng lugar na may pay phone
NTT-east Japan Pampublikong Telepono Installation Location Search (Hapon)
- Pakikipagkomunikasyon sa panahon ng kalamidad i-dial-171・Web171
Mensahe sa panahon ng Kalamidad i-dial ang171
I-dial ang171、Maaari kang magrecord at makarinig ng mga mensahe. Mensahe sa panahong ng kalamidad Web171
Maaari kang mag-iwan ng mga text message sa iyong computer o smartphone. Tingnan sa video「171」「Web171」paano gamitin
Ipinapaliwanag sa video kung paano gamitin ang Sistema ng disaster messaging dial sa paraan na madaling maunawaan.
Alamin kung ligtas ang iyong pamilya at mga kaibigan
Google person finder
Mag-apply ng para sa Sertipiko ng Kalamidad
Ang isang sertipiko (= disaster certificate) ay kinakailangan kapag nag-aplay ka para sa pera kung ang bahay na inyong tinitirhan ay nasira dahil sa malaking kalamidad tulad ng lindol, bagyo, malakas na ulan, o sunog. Makukuha mo ito sa opisina ng gobyerno sa bayan kung saan ka nakatira.