Mga pamamaraan sa munisipyo
Tungkol sa Residence Card
Ano ang residence card?
- Ang “residence card” ay isang ID card para sa isang dayuhan na naninirahan sa Japan nang higit sa 3 buwan.
- naglalaman ang “residence card” ng mahalagang impormasyon, tulad ng iyong pangalan, nasyonalidad, tirahan, atbp.
- Naglalaman ang “residence card” ng istado ng paninirahan, pagkakaroon ng trabaho, tagal ng pananatili, atbp.
Istado ng Paninirahan
Mga aktibidad na pinahintulutan sa panahon ng pamamalagi.
※Hindi ka maaaring gumawa ng anumang trabaho o aktibidad di sakop sa pinagkaloob na visa.
Tagal ng Pananatili
Petsa ng pagkawalang bisa ng pananatili.
※Hindi maaaring patuloy pa ring naninirahan sa Japan ng higit sa pinahintulutang panahon ng pamamalagi.
MgaTuntunin ng Residence Card
- Sa mga higit 16 taong gulang ang edad, kailangang dalhin ang kanyang residence card sa lahat ng oras.
- Kung hihilingin sa iyo na ipakita ang iyong residence card ng pulis o Immigration services agency, kailangan mong ipakita ito.
- Hindi mo maaaring ipa-renta o ibigay ang iyong residence card sa iba. Hindi rin pinapayagan ang paghiram ng residence card ng isang tao.
- ・Huwag baguhin ang nakasulat sa iyong residence card o gumawa ng bagong residence card nang walang pahintulot.
Pagtanggap ng residence Card
- Kung kayo ay lalapag sa mga paliparan ng Narita, Haneda、Chubu、Kansai、New Chitose、Hiroshima、Fukuoka、matatanggap mo ang iyong residence card sa airport。pagkatapos nito, mangyaring magsumite ng “moving-in notification” sa opisina ng munisipyo kung saan ka nakatira sa loob ng 14 na araw.
- Para sa mga darating sa ibang paliparan na hindi nabanggit sa itaas、mangyaring magsumite ng “moving-in notification” sa opisina ng munisipyo kung saan ka nakatira sa loob ng 14 na araw pagkatapos ng iyong pagdating sa Japan. Pagkatapos nito, ang iyong residence card ay darating sa iyong bahay sa pamamagitan ng koreo.
Kapag Nawala mo ang iyong Residence Card
①Mangyaring pumunta muna sa ng pulisya o istasyon ng pulisya at maghain ng ulat ng pagkawala. pagkatapos nito, makakatanggap ka ng isang papel na may reception number.
②Kailangan mong isumite ang mga dokumento sa Immigration Bureau sa loob ng 14 na araw ng malaman na nawala mo ito, at tumanggap ng bagong residence card.
Ano ang kailangang dalhin sa Immigration Bureau
- pasaporte
- 1 Litrato (4 cm ang haba x 3 cm ang lapad、kinuha sa loob ng huling tatlong buwan)
※Hindi mo kailangang magsumite ng litrato kung ikaw ay wala pang 16 taong gulang - Ang papel na may reception number na natanggap mo noong nagsampa ka ng ulat ng pagkawala, sa pulisya o istasyon ng pulisya.
Lokasyon ng Imigrasyon
Tokyo Immigration Bureau
Mito Branch Office of Tokyo Regional Immigration Bureau
Pagbabago ng impormasyon sa isang residence card
Kapag nagkaroon ng pagbabago sa residence card (uri ng visa、tagal ng pananatili、pangalan、nasyonalidad, tirahan) na nais palitan, pumunta sa [ “Tokyo Regional Immigration Bureau” o “Tokyo Regional Immigration Bureau Mito Branch Office”] at isumite ang mga kinakailangang dokumento.
Para sa karagdagang impormasyon, Mangyaring tingnan ang [Gabay para sa Pamumuhay. Trabaho]
Makakahanap ka ng mga karagdagang paliwanag sa iba’t ibang wika.
Immigration Bureau: Gabay sa Pamumuhay at Trabaho (Multilingual)
Kapag kailangan mo ng konsultasyon tungkol sa iyong residence card
外国人在留総合Foreign Resident Information center (Japanese)
Pagtatanong o Konsultasyon sa Telepono
0570-013904 (IP、PHS at tawag mula sa ibang bansa:03-5796-7112)
- Oras
Lunes hanggang Biyernes (Mula 8:30 am hanggang 5:15 pm) - Wika Japanese、Ingles、Chinese、Koreano、Kastila、Portuguese、Vietnamese、Tagalog、Nepal、Indonesian、Thai、Khmer(Cambodia)、Myanmar、Mongolian, French、Sinhala、at Urdu.
Pagtatanong o Konsultasyon sa email
Email address: info-tokyo@i.moj.go.jp
- Mangyaring magpadala ng email sa Japanese o Ingles。Hindi sila tutugon sa mga email na ipinadala sa ibang wikang banyaga.
- Ang ilang mga katanungan ay maaaring hindi makatanggap ng sagot depende sa uri ng itatanong. Mangyaring suriin ang homepage ng Immigration information center bago magpadala ng email.