Pagtatrabaho sa Japan
Mga Tuntunin sa Pagtatrabaho
Mga Tuntunin sa Trabaho
Ang “mga tuntunin sa Trabaho” ay ang mga regulayson na itinakda ng kumpanya. Kinakailangang magkaroon ng mga tuntunin sa trabaho kung may 10 o mahigit pang tao ang nagtatrabaho sa mga kumpanya. Dapat malaman ito ng sinumang nagtatrabaho sa kumpanya.
Pagkuha ng Suweldo
- Direktang makukuha ang pera (maaaring gumamit ng bank transfer)
- Kusa ng ibinabawas ng kumpanya ang mga buwis at mga premium ng social insurance mula sa suweldo ng empleyado para ibayad ang mga ito sa bansa sa ngalan mo.
- Dapat na tumanggap ng sahod isang beses man lamang sa isang buwan o sa itinakdang araw ng suweldo.
Pay Slip
Kunin ito mula sa kumpanya sa araw ng suweldo.
Isang pirasong papel o pay slip ay isang dokumento na ibinibigay ng iyong kumpanya na nagdedetalye ng halaga ng sahod at iba pang mga alllowance, tulad ng binawas na buwis at mga premium ng insurance. Matatanggap ito buwan-buwan.
Leave Allowance (Kyūgyō teate)
Kung ikaw ay lumiban sa trabaho sa kadahilanang maiuugnay sa iyong kumpanya, dapat na magbayad sa iyo ang kumpanya ng leave allowance na katumbas ng hindi bababa sa 60% ng iyong karaniwang sahod.
Oras ng Pagtatrabaho at mga pahinga sa trabaho/panahon ng pahinga
Oras ng Pagtatrabaho
Oras ng Pagtatrabaho hanggang 8 oras sa 1 araw
(maaaring mag-iba depende sa istilo ng trabaho o rilyebo)
hanggang 40 oras sa isang linggo.
Mga Pahinga sa Trabaho
May 45 minutos kung ang iyong trabaho ay mahigit sa 6 na oras sa isang araw.
May 60 minutos kung ang iyong trabaho ay mahigit sa 8 oras sa isang araw.
Mga Panahon ng Pahinga
1 araw man lamang bawat linggo o 4 na araw kada 4 na linggo.
Taunang Bayad na Bakasyon(Nenkyū)
Ito ay isang bakasyon kung saan maaari kang mabayaran kahit na wala ka sa trabaho. Maaaring kunin ng mga manggagawa ang taunang bayad na bakasyon kung patuloy na nakapagtrabaho sa loob ng 6 na buwang sunud-sunod at nakapag trabaho ng may 80% kabuuang araw ng trabaho. Ganito rin sa mga pansamantalang empleyado (Haken shain) at mga part-time na empleyado.
Lampas sa Oras at Magtrabaho ng Pista Opisyal
Mga oras ng trabaho na itinakda ng batas
- Hanggang 8 oras sa 1 araw、hanggang 40 oras sa isang linggo.
- Kahit man lamang 1 araw bawat linggo, o 4 na araw ng pahinga sa loob ng 4 na linggo.
Ang “overtime” (Zangyō) ay ang pagtatrabaho ng lampas sa oras kaysa sa legal na oras ng trabaho.
Mga tuntunin kapag nag-overtime:Hanggang 45 oras isang buwan, 360 oras sa isang taon.
Kapag sobrang matrabahong araw sa kumpanya、ang mga empleyado ay maaaring payagang mag-overtime, lampas sa mga oras na tinukoy sa panuntunang ito. Mangyaring makipag-ugnayan sa Labor Bureau para sa higit pang mga detalye.
Kapag nag-overtime, nagtatrabaho kapag pista opisyal o sa gabi, ang iyong sahod ay tataas ng kaunti.
①Kung nagtatrabaho ka mahigit 8 oras sa isang araw o 40 oras sa isang linggo, ang iyong sahod ay hindi bababa sa 1.25 beses na mas mataas.
②Sa mga malalaking kumpanya (lahat ng mga kumpanya mula Abril 1, 2023), kung nag-overtime ka mahigit sa 60 oras bawat buwan, ang iyong sahod ay hindi bababa sa 1.5 beses na mas mataas.
③Kung nagtatrabaho ka sa mga “holiday”, ang iyong sahod ay hindi bababa sa 1.35 beses na mas mataas.
④Kung nagtatrabaho ka mula 10:00pm hanggang 5:00am, ang iyong suweldo ay hindi bababa sa 1.25 beses na mas mataas. Sa kaso ng nag-overtime sa mga dapat na nagtatrabaho sa gabi (item ① at ④、ang iyong suweldo ay hindi bababa sa 1.5 beses na mas mataas.
Ministry of Health, Labour and Welfare Pinakamataas na limitasyon ng overtime na trabaho(japanese)
Espesyal na Bakasyon
Maternity leave
Puwedeng magbakasyon sa trabaho ang buntis na empleyado ayon sa kanyang hiling, 6 na linggo bago ang inaasahang araw ng panganganak (kapag kambal o higit pa, 14 na linggo)
Hindi siya puwedeng pagtrabahuhin sa loob ng 8 linggo pagkatapos niyang manganak
Makakatanggap ng childbirth allowance mula sa iyong employment insurance habang nasa maternity leave.
Leave para mag-alaga ng anak
Tinatawag na childcare leave kapag kumuha ng bakasyon ang lalaki o babaeng empleyado para mag-alaga ng anak o batang wala pang 1 taong gulang.
Makakatanggap ng “child leave benefits” mula sa iyong employment insurance habang naka-bakasyon para mag-alaga ng anak.
Family Care Leave
Ang「nursing care」ay ang pag-aalaga sa mga taong nahihirapan sa kanilang pang-araw-araw na buhay dahil sa katandaan o espesyal na karamdaman.
Puwedeng mag-leave ng hanggang 93 days, na puwedeng hatiin sa 3 beses, para sa bawat kapamilyang aalagaan.
Kung kukuha ka ng family care leave, makakatanggap ka ng “family care leave allowance” mula sa iyong employment insurance (hanggang 67% ng iyong regular na suweldo)
Ministry of Health, Labour and Welfare Sistema ng Family Care Leave (Japanese)
Pagbibitiw o resignasyon, Kapag natapos na ang kontrata
Sariling kagustuhang mag-resign
Sa mga walang takdang panahon ang kontrata
Magsabi sa kumpanya kapag magre-resign ayon sa itinakdang petsa 「bilang patakaran ng pagbibitiw」(o hindi bababa sa 2 linggo bago ang iyong pagbibitiw)
Kapag may takdang panahon ang kontrata
Hindi maaaring mag-resign habang hindi pa tapos ang kontrata, maliban na lang kung may hindi inaasahang pangyayari kumunsulta sa iyong kumpanya.
Hindi puwedeng paalisin ng kompanya ang empleyado nang walang mga dahilan
Pagpapaalis sa Trabaho
Hindi puwedeng paalisin ng kumpanya ang isang empleyado nang walang makatwirang dahilan.
Kung nais ng employer na tanggalin ang isang empleyado, dapat bigyan ng employer ang empleyado ng hindi bababa sa 30 araw na paunawa. Kung hindi, dapat bayaran ka ng karaniwang halaga ng sahod para sa bilang ng mga araw na kulang sa 30 araw ng paunang abiso.
Pagtatapos ng fixed-term employment
Kapag natapos na ang kontrata at walang panibagong kontratang pinirmahan (walang renewal ng kontrata), ito ang tinutukoy bilang pagtatapos ng fixed-term employment.
Kailangang magbigay ng paunang notice sa mga empleyado ang kumpanya ng 30 araw kung tatapusin nila ang kontrata sa mga sumusunod, “kapag nag-renew ang empleyado ng kontrata nang 3 beses o higit pa” at kapag tuluy-tuloy na nagtrabaho ang empleyado nang mahigit sa isang taon.
Kailangan mong pumirma ng bagong kontrata sa kumpanya kung nais mong magtrabaho doon pagkatapos mag-expire ang kontrata. Kung walang makatuwirang dahilan, hindi puwedeng tapusin ng kompanya ang kontrata ng isang empleyado na may maraming beses na na-renew ang kontrata.
Kapag hinihikayat ka ng kumpanya na kusang mag-resign
Kahit na hilingin sa iyo ng iyong kumpanya na magbitiw ng kusa sa halip na tanggalin ka, maaari kang magpasya kung magre-resign o hindi. Kung hindi mo nais na umalis sa iyong trabaho, gumawa ng isang malinaw na pahayag sa iyong kumpanya na, “hindi ka magre-resign”.
Pagkabankrupt ng kompanya
Kapag nabankrupt ang kompanya dahil sa problema sa pera at hindi nito mababayaran ang suweldo ng mga empleyado, Pakikonsulta ang Labor Standards Inspection Office para mabayaran ang bahagi ng suweldong hindi pa naibigay ng kompanya.