Emergency・Sakuna
Mga Aksidente at Biglang Pagkakasakit、Lubhang Nasugatan
Pagtawag sa Telepono i-dial -110 at 119 ito ay libre mula sa iyong mobile phone.
Kapag may insidente o aksidente
i-dial-110 (Libre)
Para sa Emergency i-dial ang 110. Kaagad darating ang mga pulis.
- Insidente(nakawan、stalker、mang-aagaw、pagkidnap sa musmos、panloloko atbp.)
- ksidente sa trapiko
Mahinahon na sasabihin sa Telepono
- Anong nangyari? (「aksidente」atbp.)
- 「kailan」、「lokasyon」、「Anong」nangyari、
- Kung may lubhang nasugatan、ipaliwanag ang detalye ng pasyenteng sangkot.
(Lalaki o babae、edad、Anong uri ng pinsala、atbp.) - Anong pangalan mo、Numero ng telepono
Sa kaso ng biglaang pagkakasakit o malubhang nasugatan
i-dial-119 (Libre)
Para sa Emergency na tawag i-dial-119。Kaagad darating ang ambulansya.
Mahinahon na sasabhin sa Telepono
- 「Emergency」sabihin.
- Kung saan mo gustong dumating ang ambulansya (lokasyon) 、
- Ilarawan ang taong may sakit o nasugatan. (Lalaki o Babae、edad、sitwasyon ng sakit o sugat )
- Anong pangalan mo、Numero ng telepono
Kapag nag-aalinlangan kung tatawag ba ng ambulansya
Pang-emergency na konsultasyon sa telepono ng nasa edad na | #7119 (24 oras 365 araw) |
---|---|
Pang-emergency na konsultasyon sa telepono ng bata | #8000 (24 oras 365 araw) |
Kung nagkasakit sa araw ng Sabado, Linggo o gabi | 休日夜間診療所 |
Kapag may sunog
i-dial-119 (Libre)
Para sa Emergency i-dial-119. Kaagad darating ang bumbero at ambulansya.
Mahinahon na sasabihin sa Telepono
- 「May sunog」 sabihin。
- Kung saan nangyayari ang sunog(address at lugar kung saan may sunog)、
- Kung may lubhang nasugatan, ipaliwanag ang detalye ng pasyenteng sangkot.
(Lalaki o babae、edad、anong uri ng pinsala、atbp.) - Anong pangalan mo、Numero ng telepono
Kapag tumatawag gamit ang mobile phone
- Sabihin sa pulis, ambulansya, at bumbero ang address na gusto mong puntahan nila. Kung hindi mo alam ang address, magbigay ng madaling maunawaang gusali o palatandaan.
- Kahit na pagkatapos mong ibaba ang telepono, maaari ka pa ring makontak ng pulis o bumbero. Huwag patayin ang iyong mobile phone at manatili doon.
- Kapag nagmamaneho ng kotse, iparada ito sa isang ligtas na lugar bago tumawag.