Pangangalaga sa bata, pagiging magulang, Edukasyon

Edukasyon

Ang sistema ng edukasyon sa Japan ay binubuo ng 6 na taon sa elementarya, 3 taon sa junior high school, 3 taon sa senior high school, at 4 na taon sa kolehiyo (2 na taon sa junior college).

Elementarya at Junior high school

  • Ang edukasyon sa mga elementarya (6-12 taong gulang) at junior high school (12-15 taong gulang) ay obligado. Ang school year ay nagsisimula sa Abril at nagtatapos sa Marso ng susunod na taon nito.
  • May mga pampubliko at pribadong paaralan. Ang matrikula at mga aklat-aralin para sa mga pampublikong paaralan ay walang bayad.
  • Ang mga dayuhang bata ay maaaring pumunta sa elementarya at junior high school sa parehong paraan tulad ng Japanese. Kung nais mong ipadala ang iyong anak sa isang pampublikong paaralan, mag-apply sa opisina ng munisipyo sa iyong bayan.
Mayroon ding mga espesyal na paaralan para sa physically/mentally-challenged ng bata. Ministri ng Edukasyon 「Gabay sa paaralan para sa mga dayuhang bata」(7 wika)

Mataas na paaralan (Senior high school)

  • Ang mga nagtapos ng junior high school ay maaaring makapasok sa senior high school kung kukuha sila ng entrance exam at maipasa ito.
  • May mga pampubliko at pribadong paaralan ng senior high school. Hindi libre ang matrikula at mga aklat-aralin.
  • Mayroong 12 paaralan para sa mga estudyante sa senior high school na nag-aalok ng mga “part-time na kurso” sa Ibaraki prefecture. Ang mga mag-aaral ay maaaring pumunta sa mga klase sa gabi.
  • Mayroon ding mga paaralan na nag-aalok ng mga “correspondence courses” kung saan maaari kang mag-aral online.
Ibaraki Prefectural Board of Education

Unibersidad / Junior college / Paaralang Bokasyonal

  • Pagkatapos ng senior high school, ang mga gustong pumasok sa unibersidad o paaralang bokasyonal ay maaaring kumuha ng entrance exam at maipasa ito.
  • Kung nag-aral sa ibang bansa o internasyonal na paaralan, mangyaring tingnan dito.

Tungkol sa mga kwalipikasyon sa pagpasok sa unibersidad ng Japan (Japanese・Ingles)

Pinansyal na suporta para sa edukasyon

Suporta sa paaralan (elementarya at jnior high school).

Ang mga mag-aaral sa elementarya at junior high school na may mababang kita ang pamilya ay maaaring makakuha ng tulong na ito para sa mga gamit sa paaralan, atbp. (tulad ng uniporme, bag sa paaralan, at stationery), mga school trips, pananghalian sa paaralan, atbp. Magkano ang makukuha mo o ano man ang uri ng situwasyon ay depende sa bayan na iyong tinitirhan.
Para sa detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa lupon ng edukasyon sa iyong bayan.

Ibaraki Prefectural Board of Education Tulong Pinansyal (Japanese)

Pansuportang Pondo sa Matrikula sa Senior High School

  • Libre ang mga matrikula para sa mga mag-aaral na pumapasok sa pampublikong paaralan sa senior high school, maliban sa mga mag-aaral na may mataas na kita ang mga magulang.
  • Ang mga mag-aaral sa pribadong senior high school ay maaari ding tumanggap ng tulong pinansyal para masakop ang bahagi ng kanilang matrikula, maliban sa mga mag-aaral na ang mga magulang ay may mataas na kita.
  • Mag-apply sa iyong paaralan.
Ministri ng edukasyon Pansuportang Pondo sa Matrikula sa Senior High School

Supplemental Scholarship Fund para sa mga Estudyante sa Senior High School

Ang mga mag-aaral sa senior high school na ang mga magulang ay may mababang kita ay maaaring sakupin ang tulong pinansyal upang makabili ng mga aklat-aralin at mga bagay na magagamit sa pag-aaral hindi kasama ang matrikula.. Kung gusto mong makakuha ng loan/scholarship sa Ibaraki prefecture, mangyaring tingnan ang pahinang ito.

Ibaraki Prefectural Board of Education Impormasyon sa Scholarship (Japanese)

Scholarship para sa mga mag-aaral sa Unibersidad

  • Ang scholarship ay ibinibigay ng iba’t ibang organisasyon tulad ng Japanese government, isang lokal na pamahalaan, mga unibersidad, at pribadong kumpanya.
  • Binubuo ng dalawang uri ang pambansang iskolarsip.
    ①Uri ng Benepisyo: hindi mo na kailangang bayaran ito.
    ②Uri ng Pautang: Kailangan mong bayaran ito ng paunti-unti pagkatapos ng graduation (Ang ilan ay may interes at ang ilan ay wala)
  • Ang mga dayuhan na may permanenteng resident status sa Japan o kung sila ay may isang Japanese na miyembro ng pamilya ay maaaring makatanggap ng mga pambansang iskolarship.
  • Mayroon ding mga iskolarship na puwedeng matatanggap ng mga internasyonal na estudyante.

Tingnan ang mga sumusunod na link para sa impormasyon ng scholarship para sa mga dayuhan

Japan Student Services Organization Suporta sa mga programa para sa mga internasyonal na mag-aaral