Pang-araw-araw na Pamumuhay sa Japan

Pang-araw-araw na Buhay

Basura

Paghiwa-hiwalay ng Basura

Mga halimbawa ng mga uri ng basura

Basurang nasusunog(Moeru gomi)

Basura mula sa kusina,kabibi,mga gawa sa papel, atbp.

Mantika pagkatapos magluto

Huwag ibuhos sa lababo. Maglagay ng ilang dyaryo sa kawali para masipsip ang langis. Itapon ang dyaryo sa “nasusunog na basura”.

Basurang hindi nasusunog(Moenai gomi)

Sirang mga plato, tasa, metal, mga bote ng kosmetiko, atbp.

Basurang maaaring magamit muli (Shigen gomi)

Mga bote, lata, PET bottle, pahayagan, libro, lalagyan na plastik, karton, atbp.

Malalaking Basura(sodai gomi) ※Maaaring magastos

Mga mesa, kasangkapan tulad ng mga upuan, bisikleta, futon, atbp.

Mga gamit sa bahay ※Maaaring magastos

Telebisyon,pridyeder,freezer,makinang panlaba, pampatuyo ng damit, atbp.

Mapanganib/nakakapinsalang basura

Mga baterya, fluorescent tube, bombilya, lighter, spray can, atbp.

Pagtapon ng Basura

  • Anong araw at anong oras, saan, anong uri ng basura ang itinatapon, depende sa munisipyo.
    Pakitingnan ang “garbage calendar” ng munisipyo kung saan ka nakatira.
  • Itapon ang basura sa umaga ng araw na kinokolekta ang basura.
  • Kapag itatapon mo ang basura,kailangang gamitin ang bag (binayaran) na tinutukoy ng munisipyo.
  • Kapag may tanong,mangyaring magtanong sa mga kapitbahay,sa nangangasiwa ng tirahan o sa tanggapan ng gobyerno.

Huwag kailanman magkalat o iligal na magtapon. Ito ay isang krimen.
Pagtatapon ng basura / Ilegal na pagtatapon = Magtapon ng basura tulad ng sa kalsada, parke, bundok, atbp., hindi sa mga itinalagang lugar.

Elektrisidad. Gas. Tubig

Kinakailangan ang aplikasyon mo sa bawat kumpanya upang gamitin ang mga serbisyo ng utility.

Elektrisidad

Isulat sa nakalakip na postcard ang iyong pangalan, address at petsa ng pagsisimula ng serbisyo at ilagay ito sa mailbox.

Gas

Maagang makipag-ugnayan sa kumpanya ng gas at hilinging buksan ang tubo ng gas sa araw ng iyong pagtira sa bahay. Kailangan nandoon ka kapag dumating ang tagapagtustos.

Tubig

Makipag-ugnayan sa sangay patubig ng munisipyo upang ma-kompleto ang kinakailangang proseso para sa paggamit ng mga serbisyo ng tubig. Isulat sa ibinigay na postcard ang iyong pangalan, address, at ang petsa kung kailan mo gustong magsimula ang serbisyo at ilagay ito sa mailbox.

Account sa Banko

Ang kailangan mo para magbukas ng bank account ay, Residence card, My Number, stamp (hanko), numero ng telepono na makokontak ng banko, atbp.
Kung hindi mo alam kung paano magbukas ng account sa banko, magpatulong saisang tao sa iyong kumpanya o paaralan.

Ahensya ng Serbisyong Pang-Pinansyal Nakatira sa Japan: Paano magbukas ng bank account at magpadala ng pera.

Kapag hindi mo na ginagamit ang iyong bank account, isasara mo ang iyong account (wawakasan ang kontrata).
Huwag ibenta ang iyong account, cash card, o passbook sa sinuman. Ito ay isang krimen.

Buwis

Ang mga taong nagtatrabaho o nakatira sa Japan, gayun din sa mga namimili sa Japan ay nagbabayad ng “buwis” sa bansa, prefecture, o munisipalidad.

Uri ng Buwis

Buwis sa Indibidwal na kita- shotokuzei(buwis na sinisingil ng bansa)
  • Sa mga pasahuring manggagawa sa Japan, atbp.,
  • Ito ang buwis , nagiiba ayon sa iyong kita na sinisingil ng bansa sa kinita mo sa loob ng isang taon mula Enero-1hanggang Disyembre31.
Paano Magbayad
  • Bawat buwan,ibinabawas ng iyong kumpanya mula sa iyong suweldo.(「withholding」)”genzenchōshū” ang tawag)
  • Kung hindi ka binabawasan sa kumpanya, sarili mo, kakailanganin mong magbayad ng buwis. (「Final Income Tax Return」”kakuteishinkou” ang tawag)Bayaran mo ito sa isang convenience store o isang bangko.

※Kung ikaw ay babalik sa iyong bansa, dapat kang maghain ng 「Final Income Tax Return」 bago umalis ng Japan. Mangyaring makipag-ugnayan sa tax office para sa karagdagang detalye.

Buwis ng Residente (juuminzei)(Mga buwis na binabayaran sa mga prefecture at lungsod)
  • Isang taong may address sa Japan noong ika-1 ng Enero at nagtatrabaho sa Japan.
  • Ang halaga ng mga buwis ay nag-iiba ayon sa iyong kita mula Enero 1 hanggang Disyembre 31 ng nakaraang taon.
Paano Magbayad
  • Ibinabawas ng iyong kumpanya ang “buwis ng residente” (juuminzei) bawat buwan mula sa iyong suweldo ito ay tinutukoy na(「Espesyal na koleksyon」Tokubetsu chōshū).
  • Kung hindi ka binabawasan sa kumpanya mula sa yong suweldo, makakatanggap ka ng sulat mula sa munisipyo sa buwan ng Hunyo na nagsasaad kung magkano ang babayaran mong buwis. Dalhin ang sulat sa opisina ng munisipyo, convenience store o post office at bayaran dito ang “buwis ng residente” (juuminzei).

※Kung ikaw ay babalik sa iyong bansa, dapat kang magbayad sa alinman sa mga sumusunod

  • Ibinabawas ng iyong kumpanya “espesyal na koleksyon mula sa bawat buwan na kita atbp.,bayaran bago lumabas ng bansa.
  • Magtalaga ng ahente ng buwis (Tax agent) na magbabayad ng mga buwis para sa iyo, ipaalam sa opisina ng munisipyo kung saan ka nakatira ang naturang tao bago umalis ng Japan.
Consumption tax (Shōhizei)

Ang Shōhizei (consumption tax) ay ang pagpataw ng buwis na may 8% o 10% kapag bumili ka ng isang bagay o tumanggap ng serbisyo sa Japan. Dapat mong bayaran ang consumption tax kasama niyan ang presyo ng mga bilihin at mga serbisyo.

Porsyento ng consumption tax na babayaran
  • Pagkain at inumin na binili sa mga supermarket, atbp. (hindi kasama ang alak) 8%
  • Alak na binili sa mga supermarket, pagkain at inumin sa mga restaurant 10%
  • Iba pang mga bagay at serbisyo maliban sa itaas 10%
Buwis ng Sasakyan (Jidōsha zei)

Sa lahat ng mga taong nag-mamay-ari ng sasakyan mula Abril ay obligadong magbayad ng buwis ng sasakyan.
Nag-iiba ang halaga ng buwis ayon sa uri ng sasakyan.
Taon-taon mula buwan ng Abril hanggang Mayo, makakatanggap ka ng papel para sa pagbabayad, bayaran ang iyong buwis ng sasakyan sa isang bangko o convenience store.

Gobyerno ng Ibaraki Prefecture: Buwis ng Sasakyan(nakabatay sa kategorya) (Japanese)

Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa buwis

Pambansang ahensya ng buwis (Kokuzeichō)
Sagot sa Buwis

Japanese

Tax Office (Zeimusho) (tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa buwis) 

mangyaring makipag-ugnayan sa opisina ng iyong munisipyo.