Mga Paksa
National Traffic Safety Campaign
2022/9/21Paunawa
Bawat taon, tagsibol at taglagas, hinihikayat ang mga tao na “sumunod sa mga patakaran sa trapiko” at “iwasan ang mga aksidente sa trapiko” sa buong bansa.
Sa panahong ito, magiging mas mahigpit ang pulisya sa pagkontrol sa trapiko.
Lalo na kapag nagmamaneho ng sasakyan, sundin ang mga patakaran at magmaneho nang ligtas.
Panatiliing Ligtas ang mga Naglalakad
- Kapag tatawid sa kalsada, tumawid sa tawiran ng pedestrian.
- Sumunod sa ilaw trapiko
- Pag-iwas sa mga bata na tumakbo palabas sa kalsada (traffic safety education)
- Pag-unawa sa mga matatanda sa pagbabago ng takbo ng kanilang katawan.
Nagmamaneho ng Sasakyan
- Magkaroon ng diwa ng pagsasaalang-alang at pagbibigay” sa mga pedestrian at iba pang sasakyan.
- Ang mga naglalakad sa tawiran ng pedestrian ay may priyoridad sa mga tawiran. Huminto ang mga sasakyan at hintayin na matapos ang mga naglalakad sa pagtawid.
- Huwag magmaneho ng sasakyan kapag nakainom ng alak.
- Lahat ng tao sa sasakyan ay naka-seatbelt.
※Kapag nagmamaneho ng sasakyan, bilang karagdagan sa (Jibaisekihoken) compulsory automobile liability insurance, kumuha din ng (Niihoken) Voluntary Automobile Insurance.
※Ang (Jibaisekihoken) Compulsory Automobile Liability lnsurance ay isang bayad-pinsala lamang para sa mga tao (ang mga bagay ay hindi sakop). Ang (Niihoken) Voluntary Automobile Insurance ay nagbibigay ng kapayapaan ng isip sa mga kaso tulad ng kabayaran para sa sasakyan ng kabilang partido o mga nakapalibot na gusali, o kapag hindi sapat ang (Jibaisekihoken) Compulsory Autombile Liability Insurance sa pananagutan ng sasakyan.
Pagmamaneho ng Bisikleta
- Pangkalahatang patakaran, magmaneho sa kaliwang bahagi ng kalsada.
- May dalawang upuan, walang ilaw sa gabi at nakainom ay ipinagbabawal.
- Huwag sumakay ng may payong.
- Paslit・Dapat magsuot ng helmet ang mga bata.
May iba pang mga bagay.
Kaugnay na impormasyon
Ang Life Support Portal Site ng Immigration Services Agency para sa mga Dayuhan na “Life and Work Guidebook” ay nagbibigay din ng impormasyon sa transportasyon.
“Life and Work Guidebook” (website ng Immigration Services Agency)Site ng Impormasyon sa Pamumuhay para sa mga Dayuhang Residente Tungkol sa “Lisensya sa Pagmamaneho, Mga Panuntunan sa Trapiko”
※Ang impormasyon sa Ingles, Chinese, Portuges, Tagalog, Thai, Kastila, Koreano, Indonesian at Vietnamese, pakitingnan ang pahina para sa bawat wika.
Sa Ibaraki Association for International Relations Consultation Center for Foreigners, maaari kang kumunsulta sa isang abogado nang libre dalawang beses sa isang buwan. Kung gusto mong kumonsulta, mangyaring gumawa ng appointment nang maaga.
Ibaraki International Association Libreng legal na konsultasyon ng isang abogado