Mga Paksa

Magbabago ang mga patakaran sa bisikleta(mula Abril 1, 2026)

2026/3/10Paunawa

Simula Abril 1, 2026, ang mga taong 16 taong gulang pataas na gumagamit ng bisikleta at hindi sumusunod sa traffic rules ay mabibilang na bilang traffic violation (blue ticket / Aokippu).

Mga paglabag na may katapat na multa (Aokippu)
  • Hindi pagsunod sa traffic signal – 6,000 yen
  • Hindi paghinto sa “Stop” sign – 5,000 yen
  • Pag bike sa kanan (right side biking) – 6,000 yen
  • Paggamit ng cellphone habang nagbibisikleta – 12,000 yen
  • Pagpasok sa lugar na bawal pasukin – 7,000 yen
  • Paggamit na sirang bisikleta (sira ang preno) – 5,000 yen

Kung malaki ang paglabag o nakasagasa / nagdulot ng aksidente
Ito ay magiging criminal case (red ticket / Akakippu)

Mga halimbawa:

  • Pagmamaneho habang lasing
  • Pagiging sagabal sa ibang sasakyan
  • Paggamit ng cellphone at nagdulot ng traffic accident, atbp.

Para sa karagdagang detalye, i-click dito:(Available sa Japanese, English, Chinese, Korean)

Website