Mga Paksa
Mag-ingat sa mga aksidente sa tubig!
2026/9/14Paunawa

Sa Ibaraki Prefecture, bawat taon ay may mga aksidente sa tubig, lalo na sa mga baybayin.
Ang rip current, lalo na iyong mga nabubuo sa paligid ng headlands , ay mapanganib.
Noong Agosto 23 (Linggo), nagkaroon ng mga akdsidente sa tubig sa mga baybayin ng Ibaraki na kinasangkutan ng mga dayuhan.
Kapag pupunta sa dagat, sundin ang mga ito:
- Huwag pumunta sa lugar na bawal pasukin o bawal palanguyan.
- Huwag pumunta sa dagat kapag mataas ang alon o masama ang panahon.
- Huwag lumangoy o maglaro sa dagat malapit sa mga headland.
Mangyaring ipaliwanag din sa inyong pamilya at mga kaibigan kung paano maging ligtas kapag naglalaro o namamasyal sa dagat.
Kung may nakita kayong aksidente o taong kailangang tulungan, tumawag sa 118 (Japan Coast Guard) o 119 – Bumbero / Ambulansya.