Mga Paksa

Mag-ingat sa mga aksidente sa tubig!

2026/9/14Paunawa

Sa Ibaraki Prefecture, bawat taon ay may mga aksidente sa tubig, lalo na sa mga baybayin.

Ang rip current, lalo na iyong mga nabubuo sa paligid ng headlands , ay mapanganib.

Noong Agosto 23 (Linggo), nagkaroon ng mga akdsidente sa tubig sa mga baybayin ng Ibaraki na kinasangkutan ng mga dayuhan.

Kapag pupunta sa dagat, sundin ang mga ito:

  • Huwag pumunta sa lugar na bawal pasukin o bawal palanguyan.
  • Huwag pumunta sa dagat kapag mataas ang alon o masama ang panahon.
  • Huwag lumangoy o maglaro sa dagat malapit sa mga headland.

Mangyaring ipaliwanag din sa inyong pamilya at mga kaibigan kung paano maging ligtas kapag naglalaro o namamasyal sa dagat.

Kung may nakita kayong aksidente o taong kailangang tulungan, tumawag sa 118 (Japan Coast Guard) o 119 – Bumbero / Ambulansya.

 

Website