Mga Paksa

Ang Nobyembre ay “Buwan ng Kamalayan sa Antimicrobial Resistance”(Paglaban ng mga Mikrobyo sa mga Gamot).

2026/11/12Paunawa

Kapag hindi tama ang pag-inom ng mga antibiotic, maaaring magkaroon ng mga bakterya na hindi na tinatablan ng gamot. Ang mga ito ay tinatawag na “drug-resistant bacteria” o mga bakterya na lumalaban sa gamot. Kapag dumami ang mga bakterya na lumalaban sa gamot, mas nagiging mahirap gamutin ang mga sakit na dati ay nagagamot sa pamamagitan ng gamot.
Upang maiwasan ang pagdami ng mga bakterya na lumalaban sa gamot, inumin ang mga gamot na inireseta ng doktor ayon sa tamang dosis at iskedyul na itinakda niya.